Pages

Tuesday, January 29, 2013

Karapatan at Kalapastanganan : Hindi Magkaugnay

Ang kalayaan ay mistulang kasangkapan ng kawalanghiyaan kung ito ay gagamitin sa kalapastanganan at kabastusan. Lalo't higit kung ito ay nakakapanakit ng kalooban at paniniwala sa Dakilang Lumikha. Ang bawat tao ay mayroong karapatan na lmahok at makibahagi sa mga pagtitipon ng mga nananampalataya at sumasamba. Ngunit walang tao ang mayroon karapatan na siya ay maghariharian at gambalain ang ano mang pagtitipon na mayroong kaugnayan sa pananampalataya. Ang kalayaan na magpahayag ng saloobin ay nararapat ilagay sa tamang lugar, sa tamang oras at sa tamang pamamaraan. Ang ganitong kalapastanganan ay mayroong karampatang kaparusahan sa ilalim ng batas.

No comments:

Post a Comment